Veterans Hospitalization Program

Maliban sa mga libreng serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER (VMMC) sa ating mga beterano at kanilang mga kaanak, mayroon ding Veterans Hospitalization Program (VHP) ang PVAO-VMMC para mabigyan ng serbisyo ang mga beterano na malayo sa Quezon City.

Sa kasalukuyan, ang VHP ay ipinatutupad na sa 599 na ospital ng gobyerno sa buong bansa. Nakapaloob dito ang mga sumusunod na benepisyo:

Uri ng Serbisyong Medikal Halaga ng Subsidiya mula PVAO-VMMC
1.Operasyon sa katarata para sa isa o dalawang mata (para sa professional fee ng doktor, intra-ocular lens at iba pang gastusin kaugnay ng operasyon) P 16,000.00
2. Partial reimbursement of coronary angiogram P 30,000.00
3. Endoaneurysmectomy (para sa thoracic o abdominal aortic aneurysm P 40,000.00
4. Angioplasty P 100,000 para sa single stent o P150,000 para sa multiple-vessel stent
5. Cardiac Bypass P 200,000.00
6. Pacemaker Placement P20,000 para sa temporary pacemaker o P180,000 para sa permanenteng pacemaker
7. Chemotherapeutic agents (hanggang anim na cycle) P 10,000.00 kada cycle

Ang VHP ay hindi lamang para sa mga beterano kundi para rin sa kanilang asawa at menor de edad na anak; anak na may kapasanan sa katawan o pag-iisip kahit ano pa ang edad; at magulang ng beterano.

Upang higit na matugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga beterano at kanilang mga dependents, lalo na yaong mga higit na nakatatanda, ay lalo pang pinalawig ng PVAO-VMMC ang sakop ng VHP. Kaugnay nito ay dinagdag sa programa ang subsidiya para sa mga sumusunod:

Karagdagang Benepisyo Halaga ng Subsidiya mula ,PVAO-VMMC (kada piraso)
1.Orthopedic implants at mga prosthesis P 30,000.00
2.Hearing aid P 30,000.00
3. Orthopedic braces P 6,000.00
4. Pustiso P 5,000.00
5. Hernia mesh para sa may sakit na luslos P 2,000.00

Maaari na rin pong mag-reimburse ang mga naospital o naoperahan noong nakaraang taon (Enero-Disyembre 2011) sa aming mga accredited hospitals. Ipadala lamang ang mga sumusunod:

  1. Letter of request for reimbursement. I-address po ang inyong sulat sa: Office of the Director, VMMC-Medica Administrative Services Division, Veterans Memorial Medical Center, North Avenue, Diliman, Quezon City
  2. PVAO Pensioner's ID o katibayan ng pagka-beterano; kopya ng ID, kung kayo naman ay kaanak ng beterano.
  3. Summary of Patient's Bill na nagmula sa accountant o director ng ospital kung saan kayo na-confine o na-operahan.
  4. Certification of Attending Physician na magpapatunay ng operasyong ginawa ng doktor.
  5. Orihinal na resibo para sa serbisyong binayaran.

Veteran Hospitalization Program Downloadable Form


###